Life & Technology

Handful lessons in different areas of technology and life in general.

Monthly Archives: January 2010

Modus Operandi ng Kunduktor ng Jayross Aircon Bus

Babala para sa mga Pilipino na ang tanging pangunahing transportasyon sa pang-araw araw ay mga bus (aircon man o hindi).

Jayross Bus Number Itong Modus Operandi na ito ay aking naranasan kanina (Jan 16, 2010) sa aming bus na sinakyan, Jayross Lucky Seven (Bus Nr: 749716) bandang 4:30 PM ~ 5:00 PM papuntang Mall of Asia galing ng Cubao area. Lima kami na sumakay kasama ang aking 4-yr old na anak, nakaupo kami sa may bandang gitna na upuan na pang 3-seater, 3 kami ng asawa ko at anak sa unang 3-seater at ang kapatid ng asawa ko at yaya naman sa sumunod na upuan. Paglapit sa amin ng kunduktor, tinanong nya kami kung saan kami bababa, ang sagot ng misis ko ay “sa MOA kaming lima, magkano?”, Sumagot sya at sabi ay “Php 30.00 ang isa” tapos ay nagtuloy sya sa dulo para kunin ang bayad ng mga bagong sakay samantalang kami ay naghahanda na ng ipambabayad namin. Walang eksaktong nailabas na pera ang misis ko na Php 150.00 para sa limang tao kaya inihanda namin ang Php 200.00 (tig-Php 100.00) at iaabot sa kunduktor pagbalik nya sa lugar namin. Pero pagkapunta nya sa pwesto namin ay hindi nya kinuha ang binabayad namin at nagsabing “mamaya na po…” sabay diretso papuntang pintuan upang magtawag pa ng ibang pasahero. Matagal din ng kaunti bago sya tumigil magtawag at nagsimula ulit syang maningil ng pamasahe. Pagdating nya sa pwesto namin ay iniabot namin ang Php200.00 at sinabi namin na “Limang MOA”, nagpilas na sya ng mga tiket para sa amin at sabay sabing “Mamaya na po yung sukli nyo”. Nang pagksabi nyang iyon ay tiningnan namin ang hawak nyang pera at nag-isip kami na hindi sinuklian agad samantalang maraming Php 50.00 syang hawak sa kamay nya para ipang sukli sa amin.

Nagtanong ang misis ko kung may buong Php 50.00 ba ako sa wallet, so kinuha ko ang wallet ko at nakita at Actual Jayross Bus kinuha ko ang eksaktong Php 50.00 para pagbalik ng kunduktor ay kukunin na namin ang isang Php 100.00 at ipapalit ang Php 50.00 para hindi na kami maabala pa pagbaba namin mamaya sa MOA. Habang nakahanda ang Php 50.00 sa kamay ko, napansin ng misis ko na kulang ang tiket na ibinigay ng kunduktor sa amin! Ang tiket ay nagkakahalaga lamang ng Php 120.00 so ang binilang nya lang ay pang-apat na tao. Nagtaka ang misis ko, maging ako rin ay nagtaka dahil usually ay hindi ko gawain ang magbilang ng tiket kung magkano ang nakalagay duon pero sa pagkakataong ito ay namangha ako dahil hindi puedeng magkamali ang kunduktor sa mga ganitong bagay dahil sila rin ang makukulungan. Or siguro ay may hidden agenda ang kunduktor!

Habang naniningil ang kunduktor sa ibang pasahero at papalapit sa lugar namin, nagtanong ang misis ko:

Wife: Manong, kulang po yung tiket na binigay nyo sa amin.
Kunduktor: (nag-deadma na hindi kami naririnig gayong nasa likod nya lang kami at nsa 2-seater na pasahero yung kasalukuyang sinisingil nya)
Wife: Manong, amin na po yung isang Php 100.00 at bibigay po namin itong Php 50.00
Kunduktor: (Mabilis ang kamay na kinuha ang hawak ko na Php 50.00 at ibinigay sa akin ay Php20.00!!!)
Wife: Manong! Dalawang Php 100.00 po yung bigay namin sa inyo, Php 20.00 lang ang ibinigay nyo
Kunduktor: (nagmaang-maangan na nagkamali, “ay, Php 20.00 ba yung naiabot ko, o eto yung Php100.00”)
Wife: (Inulit ang tanong sa tiket) Manong, kulang po itong tiket na binigay nyo, magkano po ba papuntang MOA?

Sa pagkakataong ito ay balisa at iritable na ang kunduktor.

Kunduktor: Php 30.00 galing Cubao papuntang MOA habang inaasikaso at nagmamadali na lagpasan kami
Wife: Lima ho kami, so dapat ay Php 150.00 itong tiket na bigay mo. (Sa puntong ito ay iritable na ang misis ko)
Kunduktor: Nililito mo ako eh!
Wife: Manong! (with high tone) Wag mo akong lituhin, ang sabi ko ay kulang yung tiket na bigay mo dahil lima kami, anong nakakalito dun?
Kunduktor: (Nag-aastang iritable) Ano bang problema? Php 30.00 ang isa, so Php 120.00 yang tiket eh di nilibre ko na nga yung bata eh! (Nagmamatigas)
Wife: (Galit na) Manong, wala kang sinasabing libre itong bata kanina at ngayon mo lang yan sinabi. Huwag kang manlito! Lima ang sabi ko so ibig sabhin kasama yung bata sa bayad!
Kunduktor: Nililito mo ako eh! Tama na, ikaw na nga nilibre ikaw pa galit
Wife: Ayoko magpalibre! babayaran namin yung bata,

Umalis ulit yung driver at pumunta sa unahan para magtawag ng pasahero, pagbalik sa lugar namin ay hinanda namin ang Php 20.00 para ipampalit sa Php50.00 na binigay namin kanina.

Wife: Php 120.00 lng yung tiket mo so may Php 30.00 pa kami. Eto yung Php 20.00, akin na yung Php 50.00 na bigay namin kanina.
Kunduktor: (Inis) Eto o, ayoko na makipagusap sa yo, tama na.
Wife: Talaga!

— end of conversation —

MODUS OPERANDI:
Kunduktor ng Jayross Bus Itong kunduktor na ito ay mang-sspot ng pasahero na magkakasama at marami. Magtatanong sya kung saan kayo at pagkabigay nyo ng pera ay bibigyan kayo agad ng tiket at hindi muna ibibigay at sukli. Bakit? Dahil kung hindi nyo binibilang ang tiket na bigay nya, iisipin ng pasahero na yung sinabi nyang pasahe at ibinigay nyang tiket ay sakto pero HINDI. Tama ang presyo na sinabi nya pero hindi tugma sa tiket na binigay nya sa pasahero. At ang sukli? Ibibigay nya lamang kapag pababa or naghahanda na kayong bumaba at isusukli sa inyo ay yung total na amount na sinabi nya.

Pandaraya ng kunduktor ang ginagawa nya sa Bus company at panlilinlang naman ang gawain nya sa mga pasahero! Nagtatrabaho na sya sa Bus Company pero may “trabaho” pa rin sya sa loob mismo ng bus!!!

RESULTA:
Sa ganitong pamamaraan, nakakakuha o nakakakulimbat sila ng extrang pera sa mga ganitong pagkakataon. Isipin mo kung ang isang grupo ay may Php 200.00 na aktwal na pamasahe at ang ibinigay nyang tiket ay nagkakahalaga lamang ng Php 170.00, e di automatic meron na syang Php 30.00 na direktang kita at puede ng ibulsa agad!!! Dahil ang inilabas na tiket ay sakto lang din na pera ang ibibgay nya sa kaha ng bus at hindi makikita ng inspector na may mali dahil sakto naman ang value ng tiket sa total amount na pera!

SUGGESTION/TIP:
Upang makaiwas sa ganitong modus operandi ng ilang mga kunduktor sa mga airconditioned bus partikular na itong Jayross Lucky Seven, dapat ay:
* Bilangin muna ang amount na ibinigay na tiket bago iabot ang bayad sa kunduktor. Tiket muna bago magbigay ng pera.
* Magtanong o usisahin kung mali ang bilang ng tiket na ibinigay sa yo.
* Sikapin na magbigay ng saktong pamasahe gaano man kalaki ang halaga ng pamasahe nyo upang maiwasan ang alibi ng kunduktor na “mamaya na yung sukli”
* Maging mapanuri sa kunduktor at maging sa kilos nya

MAG-IINGAT SA MGA GANITONG KLASENG KUNDUKTOR!!!

Simula ng magtrabaho ako sa Ortigas area, maganda ang aking impresyon sa Jayross Lucky Seven bus dahil maganda at maayos magmaneho ang driver, naka-uniporme pareho ang driver at kunduktor, tapat sa kumpanya maging sa mga pasahero, maayos na TV set, malamig na aircon at maayos na mga upuan. Pero sa nangyaring insidentent ito sa amin, nabura ang pagkakatingin ko sa Jayross Lucky Seven bus, pumangit dahil sa ilang kunduktor na iniemploy nyo.

Sayang …